Kiko Estrada

 

MULA sa pagiging top-rated afternoon series, magpapasiklab na sa primetime sa bago nitong yugto ang “Lumuhod Ka Sa Lupa” ng TV5 simula sa Hunyo.

Marami na ang nag-aabang sa pagpapatuloy ng maaksyong kuwento ng serye, at magandang balita nga na maihahanay na ito sa mga panggabing programa sa TodoMax Primetime Singko ng TV5.

Isa sa magiging highlight sa susunod na yugto ng serye ang pinakaaabangang transformation ng lead star ng programa na si Kiko Estrada.

Sa kanyang sagarang training sa jiu-jitsu at dedikasyon sa mga maaaksyong eksena bilang si Norman dela Cruz, binansagan na siya ng mga manonood bilang “lods na kaya kang ipaglaban.”