Piolo Pascual at Vic Sotto
MAINGAY na nga at inaabangan ang pagsasanib-pwersa ng Box-Office King na si Vic Sotto at Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa kanilang official 50th Metro Manila Film Festival entry na “The Kingdom”.
Mula sa direksyon ni Michael Tuviera at handog ng MQuest Ventures, M-ZET Productions, at APT Entertainment, Inc., ang “The Kingdom” ay isang kakaibang family drama na talagang ginastusan para sa MMFF 2024.
Sabi nga ni Bossing sa isang panayam about the movie, “It’s going to be epic. It’s going to be very dramatic. Feeling namin akmang-akma siya sa panahon at sa okasyon.”
“The story and concept are really different, nothing like we’ve seen before. For me, this will serve as an eye-opener for all the Filipinos, para sa atin mga kababayan at sa Pilipinas. I have never done anything like this before,” aniya pa.
Nakakuha ng BTS o behind-the-scenes photos ang BANDERA kung saan unang masisilayan ang mga karakter nina Bossing Vic at Papa P sa unang pelikulang pagsasamahan nila.
Makikita si Bossing na seryosong nakaupo, nagpapakita ng bagong aura na malayo sa kanyang usual na comedic persona.
Meanwhile, sa isang kuha naman kay Papa P, makikita siyang abala sa bukid, tila isang magsasakang ipinapakita ang kanyang kakaibang transformation para sa pelikulang ito.
Mukhang sobrang intense nga ng role, ibang-iba sa kanyang mga nagampanang karakter. Sabi nga nila, iba kapag si Piolo ang nagbigay-buhay sa karakter.
Mas lalo tuloy nakaka-excite na mapanood ang “The Kingdom” sa nalalapit na MMFF 2024.
Marami ang umaasa at naniniwalang maghari sa takilya at maluklok sa trono bilang pinakabongga at pinakamalaking produksyon ang “The Kingdom” nina Bossing Vic at Papa P sa history ng MMFF.
Originally published on Bandera Inquirer.