Sid Lucero, sobrang na-starstruck working with Vic Sotto for the first time sa pelikulang The Kingdom. Pag-amin niya, “It’s an honor. Hindi ko alam kung ito yung una niyang drama, tapos ako pa ang nakaeksena niya. Oh my gosh! Kinikilig talaga ako e, the whole time.”
Hataw nang bonggang-bongga si Sid Lucero bago matapos ang taong 2024.
Kasali siya sa mga pelikulang The Kingdom at Topakk na parehong entry sa Metro Manila Film Festival.
Pero bago siya maging aligaga sa promo ng dalawang pelikula, iso-showing muna ang pelikulang Celestina: Burlesk Dancer sa December 4, Miyerkules kung saan ilulunsad ng VMX sa pelikulang ito si Yen Durano kasama rin sina Christine Bermas at Arron Villaflor.
Dadaluhan pa raw niya ang premiere night nito sa Gateway Mall sa Martes, December 3.
Nagpapasalamat si Sid dahil bukod sa mga nagagawa niyang pelikula sa VMX, meron pa siyang soap na Lumuhod Ka Sa Lupa, at may mga nagawa siyang pelikulang ngayon pa lang niya nakakasama ang mga artistang gusto niyang makatrabaho.
“Tuwang-tuwa ako dun grabe! As in…beginning of the year, nakatrabaho ko rin si Noel Trinidad. Sobrang nakakatuwa talaga. Marami po akong nakakatrabaho na gusto kong makatrabaho especially sa mainstream.
“Last year, nakatrabaho ko si Bea Alonzo for the first time and I’m so happy na nakatrabaho ko siya,” bulalas ni Sid nang nakapanayam namin kamakailan sa DZRH.
Ngayon ay dalawang pelikulang pang-MMFF ang kasali siya at maganda ang role. Nakaka-proud daw na kasama siya sa dalawang malaking pelikulang ito, ang The Kingdom at Topakk.
“Pareho lang po kung papaano niyo titingnan, e. Kasi for example, nung ginawa namin yung Topakk, magbabarkada kaming nagtitipun-tipon, tapos tara, gawa tayo ng pelikula. So, masaya talaga siya.
“Nung pumasok sina Arjo , Tita Sylvia, lalong bumigat kasi ibig sabihin may backer na, e. So, lumaki na siya nang lumaki. Then, yung pressure na binigay namin sa isa’t isa, nandun na yun kasi we’re friends, e.
“So siyempre magbibigay ako, magbibigay siya, magbibigay siya, magbibigay ako. So, talagang isa kaming pamilya na nagtatrabaho e,” sabi pa ni Sid.
SID, SOBRANG NA-STARSTRUCK KAY BOSSING VIC
Pero ang hinding-hindi raw niya makalimutan ay first time daw niyang nakatrabaho si Vic Sotto. Sobrang na-starstruck daw siya nang nakaeksena na niya si Bossing Vic.
“Dito sa Kingdom, first time ko makatrabaho sa isang pelikula na ganyan kalaki, as in ganun kalaking mga artista, ganun kalaki yung production. So, kung titingnan mo from that point of view, grabe din naman yung bigat ng trabaho namin.
“Tapos, kada eksena, tagaktak yung pawis mo. Kasi ang laki-laking tao ang kaeksena mo, tapos ang tingin mo dapat sa kanya ‘Daddy.’
“Habang nagda-dialogue ka, wow kaeksena ko itong artistang ito, grabe!” napapangiting pahayag ni Sid.
Madrama ang The Kingdom at hindi rito nag-comedy si Vic Sotto.
Pero sabi ni Sid Lucero, kung nag-comedy sila ni Bossing Vic, baka hindi raw niya kayang sabayan.
“Wala akong experience sa kanya working sa comedy. Saka kung makasama ko siya sa comedy, hindi ako makakasabay. Wala akong alam sa comedy. Medyo mabagal yung utak ko diyan e,” natawang pakli ni Sid.
“Pero sa akin lang, it’s an honor. Hindi ko alam kung ito yung una niyang drama, tapos ako pa ang nakaeksena niya. Oh my gosh! Sa akin yun e… meron akong eksena na nagawa na napasilip ako. ‘Ano yung ginagawa niya, grabe!’ Kinikilig talaga ako e, the whole time.”
Sa pelikulang The Kingdom, gumanap si Vic Sotto bilang Lakan Makisig, ang hari ng Kingdom of Kalayaan.
Mga anak ni Lakan Makisig sina Dayang Matimyas (Cristine Reyes), Dayang Lualhati (Sue Ramirez), at Magat Bagwis (Sid Lucero).
Paglalarawan ni Sid sa kanyang karakter, “Siguro in a nutshell, ako yung namamahala sa mga business dealings between the datus and sa government ng kaharian.”
SID, HUMBLED WORKING ALONGSIDE ACTING GIANTS
Bilang bahagi ng cast ng The Kingdom, ano ang natuklasan niya sa kanyang sarili at sa kakayanan niya bilang artista?
“From the bottom of my heart, I learned that I know so little about the craft,” malumanay na tugon ni Sid sa mediacon ng The Kingdom noong Nobyembre 29, Biyernes ng gabi sa Novotel hotel, Cubao, Quezon City.
“I’ve been working for 20 years but never have I felt more inexperienced working with giants. It’s probably one of my first projects at this scale.
“It’s breath-taking, it gives me goosebumps. It throws me off my center. It’s a great challenge. It’s a great lesson. It’s such an honor to be part of this.”
Paano niya pinaghandaan ang kanyang role na Magat Bagwis? Ano ang kaibahan nito sa roles na nagampanan niya before?
“Very differently. Kasi like, hindi ko na-mention kanina… pero when you find out who’s you’re working with and who’s directing it, it’s an auto-yes,” sey ni Sid.
“You yes and then you read later. He! He! He! He! So, nung natanggap ako para sa pelikula, doon ko pa lang nalaman kung ano yung mangyayari.
“It was more like a crash course. I mean like I probably crammed it all. I took bits and pieces of my experiences in all other projects.
“I was fortunate enough to work on a project a long time ago for TV which dealt with a certain kind of… it was our past, and those kind of like… a very influenced…
“This movie kasi, it was influenced by that, e. So I used a little bit of that, and buti na lang, nagamit ko iyon.
“Kasi yung language dun sa show na yun was a lot closer to this one, which helped a lot. And then same as always.
“When you get to the set, I watch everybody do their thing, and I base it all on that. And yeah, yeah, I think. I think. He! He! He!”
Tampok din sa The Kingdom si Piolo Pascual bilang outcast farmer na si Sulo, Ruby Ruiz bilang Punong Babaylan, Zion Cruz bilang apo ni Lakan Makisig, Art Acuña, Giovanni Baldisseri, Nico Antonio, Mark Rivera, at Dylan Menor.
May special participation sina Cedrick Juan at Iza Calzado.
Originally published on PEP.