Primetime Primera block ng TV5 mas pinatindi; Maja, Billy, Kiko sahib-pwersa

TODO ang sayang hatid ng TV5 sa mga bagong weekend and early primetime offerings na hitik sa blockbuster lineup ng mga nagbabalik at pinabonggang fan favorites.

Bukod pa iyan sa mga bagong programang handog ng Kapatid Network na talaga namang inaabangan nang maraming manonood kanilang na ang comebacking “Emojination” hosted by Maja Salvador.

Nagsimula na nitong nagdaang weekend ang nagbabalik na “Emojination” sa ikalima nitong season na siguradong emoji-filled sa saya at katatawanan tuwing Sabado ng 5:30 p.m..

Ang OG bida-oke ng bansa na “Sing Galing” naman ay twice a week nang mapapanood, tuwing  Sabado ng 6:15 p.m. at Linggo ng 6:30 p.m. — para sa nag-uumapaw na kantawanan para sa buong pamilya.

Huwag din palampasin ang comeback ng “Masked Singer Pilipinas” sa ikatlong season nito hosted by Billy Crawford. Double the mystery nga at MASKED pinasaya ang kantahan at hulaan tuwing Sabado ng 8:30 p.m. at Linggo ng 8:45 p.m..

Originally published on Inquirer.