vic sotto tattoos

Vic Sotto on the process of painting tattoos on his body: “Mahirap but if you’re into it, kailangan pagbutihin mo na. Kailangan tanggapin mo na, tiisin mo na. Yung full body nga, grabe, akala ko magkakasakit ako. Ini-spray-an ka ng malamig, alcohol-based sa likod, napapaganoon ako.”

PHOTO/S: Courtesy of MQuest Ventures

Hindi puwedeng panoorin ng six-year-old daughter ni Vic Sotto na si Tali ang The Kingdom dahil sa mga bayolenteng eksena sa pelikula.

Official entry sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang action-drama na The Kingdom, na pinangungunahan nina Vic at Piolo Pascual.

“Hindi,” sagot ni Vic nang itanong ng Cabinet Files kung ang The Kingdom ang uri ng pelikulang puwedeng panoorin ng mga bata na kasing-edad ng anak nila ni Pauleen Luna na si Tali.

“Kinausap na namin ni Pauleen si Tali kasi may mga patayan . Hindi niya type yung mga ganoon, mga violence.

“So we talked to her already. ‘You cannot watch daddy’s film.’

“Kasi there was one time na nagpa-practice ako sa bahay ng kali , karambit…

“Nandoon si Tali, nanonood siya. Tinatanong niya ako, ‘Daddy, are you a superhero?’

“Kasi idol niya yung mga Enteng Kabisote, Lastikman, nakikita niya sa YouTube. So, ang image ko sa kanya is a superhero.

“Nakikita niya, may kalaban ako, but we talked to her already.”

Ano ang reaksiyon ni Tali?

“Aaaahhh… maarte yon, e,” nakakaaliw na sagot ni Vic dahil ginaya niya ang pagsasalita ng anak.

vic sotto pauleen luna daughter tali

Vic Sotto with wife Pauleen Luna and daughter Tali 

Photo/s: @pauleenlunasotto on Instagram

VIC SOTTO’S TATTOOS

Kakaiba ang The Kingdom sa lahat ng mga nakaraang proyekto ni Vic dahil bilang lakan o hari ng kanyang kaharian, kinakailangan siyang lagyan siya ng temporary tattoos sa buong katawan na hindi madaling gawin.

Saad ni Vic: “Mahirap, but if you’re into it, kailangan pagbutihin mo na. Kailangan tanggapin mo na, tiisin mo na.

“Yung full body nga, grabe, akala ko magkakasakit ako. Ini-spray-an ka ng malamig, alcohol-based sa likod, napapaganoon ako.

“Ang totoo niyan, in reality, in the movie, buong katawan —paa, likod, minsan meron sa mukha. Part of Filipino tradition.

“In the story, the more tattoos you have, the higher your place in the society. And me being the lakan, that means king, hari, kailangan ito.”

vic sotto tattoos

Photo/s: Courtesy of MQuest Ventures

Aminado si Vic na “parusa” ang paglalagay ng tattoo sa buong katawan niya.

“Full body , it takes about three hours. Parusa kasi inisa-isa yan, e. Naka-stencil, airbrush, pero iniisa-isa lalo na pagdating sa likod, full body.

“Madaling tanggalin. Hindi siya natatanggal sa pawis.

“It’s alcohol-based so oil lang ang pangtanggal, you rub it then alcohol, tanggal na siya.

“Alam ko mahirap, hindi lang yung tattoos, pati sa dialogue. Ang hirap, matalinghaga yung Tagalog, we cannot use Spanish words,” salaysay ni Vic.

Kahit maraming hamon para sa karakter na ginagampanan niya, masaya si Vic dahil gustung-gusto at inspiradong-inspirado siya sa proyekto nila ni Piolo.

Originally published on PEP.